| One-Foot Glide (Tagalog) |
|
|
|
| Friday, 25 July 2008 13:13 | |
|
Ang one-foot glide ay ang paraan kung saan isa paa mo lamang ang gagalaw sa yelo. Kinakailangan ng lahat ng mga figure skaters na matutunan ang one-foot glide. Una, mag-glide sa dalawang paa. Pangalawa, unti-unting itaas ang kabilang paa. Ilagay mo ang bigay mo sa paang nasa ice. Kung ang kaliwang paa mo ang nasa yelo, pabigatin mo ang kailwa mong paa habang nakataas sa tabi ng binti mo ang kabila mong paa. Kinakailangan mong makapag-one-foot glide ng distansyang equal sa height mo. Huwag galawin masyado ang arms. Sanayin mo ang sarili mong naka-extend ang arms mo sa shoulder level habang nag-one-one foot glide. Kailangang diretso ang pag-glide mo. Kapag tumatabingi ka, ok lang yun. Habang tumatagal, makukuha mo rin isaayos ang one-foot glide mo. Kailangan mo ring i-practice ang kabila mong paa. Kung kaliwa ang gamit mo, i-practice mo rin ang kanang paa mo. Kinakailangan ito kapag nag-test ka. Kapag sanay ka na, puwede mo ring i-practice ang pag-glide na nasa harapan ang paa, nasa likod ang paa, o naka-bend ang tuhod habang nasa likod o harap ang paa. Magagamit mo rin ito sa mga susunod na lessons.
Set as favorite
Bookmark
Email This
Hits: 363 Comments (0)
![]() |
|
| Last Updated ( Monday, 10 November 2008 22:26 ) |




